Thursday, 7 December 2017

Pagsusuri ng nobela (The Twilight Saga)


Pagsusuri ng nobela
(iksina-pelikula)




                                                                                      I.            Pamagat-  The Twilight Saga
·       May akda -  Stephenie Meyer
·      Genre - Pantaserye at Pagibig
                                                                                                                                                            II.            Buod-
(Twilight)
·       Si Bella Swan ay lumipat mula sa Phoenix, Arizona para makasama ang tatay niya sa Forks, Washington para makalakbay ang nanay niya kasama ang kanyang bagong asawa, hiwalay ang Tatay at Nanay ni Bella. Pagkatapos ng paglipat sa Forks ay nakilala niya si Edward Cullen at agad agad nahulog ang puso niya sa kanya. Habang tumatagal ang relasyon niya kay Edward ay natututo niya ang ugali ng mga bampira at nalaman niya na hindi umiinom ang pamilya Cullen ng dugo ng tao kung hindi dugo ng hayop. Isang bampira mula sa ibang grupo nangagalan James, ay nagugustuhan si Bella at gusto niya ito patayin. Si Bella ay nakatagumpay sa pagtakas at umalis papunta ng Phoenix, Arizona kung saan naloko siya ni James para patayin siya. Siya'y sugatan pero agad agad pumunta ang pamilya Cullen para sa kaligtasan niya. Napatay nila si James at umalis ulit pabalik sa Forks.
(New Moon)
·      Pagkatapos ng pangyayari ay nakaranas si Bella ng matinding depresyon at kung saan naging matalik na kaibigan niya si Jacob Black, kung saan nalaman niya na si Jacob Black ay nakakabago ng anyo mula sa pagiging tao sa pagiging isang lobo. Ang buong angkan ng mga lobo ni Jacob ay pinoprotekahan si Bella sa tangka ni Victoria na patayin si Bella sa paghihiganti sa pagpatay ng mga Cullens sa kay James. Nagtatangka na magpagkamatay si Edward na sa akala na nagpagkamatay si Bella, agad-agad dumating si Alice para sunduin si Bella papuntang Italia para isalba si Edward. Sa Italia, nakilala ni Bella ang Volturi isang makapangyarihan na angkan, pinangako ni Bella na magiging isang bampira siya sa nalalapit na panahon. Ang rason bakit magiging isang bampira si Bella ay dahil siya'y maraming alam tungkol sa mga bampira at kung hindi siya magiging isa sa kanila ay ipapatay siya. Si Bella at Edward nagsama ulit at umuwi sila kasama ang mga Cullens pauwi ng Forks.
(Eclipse)
·      Si Victoria, ang mahal ni James mula sa Twilight, ay nagsimula ng isang grupo ng mga bagong bampira para mapatay ang Cullens at para makaganti siya kay Bella. Habang si Bella ay pinapili kung ano ang mas mahalaga para sa kanya; Ang Pag-ibig niya para kay Edward o kaya ang pagkakaibigan niya kay Jacob. Ang angkan ni Jacob at Edward ay nagsama para matalo ang mga Bagong Bampira. Sa huli, pinili ni Bella nag pag-ibig niya kay Edward at nagsabi ng oo si Bella sa alok ni Edward na magpakasal na sila.
(Breaking Dawn)
·       Pagkatapos ng kasal ni Edward at ni Bella ay nag-honeymoon sila pero naantala  ang kanilang honeymoon dahil nalaman ni Bella na buntis siya. Dumaranas ng matinding pagkahina si Bella at nag-agaw buhay habang pinapanganak si Reneesme. Isang Bampira mula sa ibang angkan ay pinagkamalan na si Reneesme ay isang Immortal na tao at agad agad niya pina-alam niya ito sa Volturi na bawal ang pag-exist ang isang uri ng tao sa batas ng mga bampira. Inipon ang mga saksi na hindi isang Immortal na tao si Renesmee. Sa huli nakobinse ng mga Cullens ang Volturi na hindi isang tangka sa buong lahi ng mga bampira o kaya tangka sa kanilang sikreto si Renesmee.



                        III.            Paksa- Ang paksa ay ay tungkol sa dalawang nagiibigan na may supernatural na kapangyarihan.
                                                                                                                             IV.            Bisa- (Sa isip) 
Sa panonood ng pelikula/nobela , natuklasan na may ibang bampira ang may puso , sa pamilyang cullens , sila ay napagkakamalang masama dahil akala ay pumapatay sila ng tao at nainom ng dugo
 (Sa damdamin)
Sa nobela naipakita na ang damdamin ay kayang makapagpabago sa tao ano ka man o sino ka man
        V.            Mensahe – hindi masamang piliin ang pagibig kung ito’y makakabuti sayo at makakapagsaya.
      VI.            Teoryang Ginamit-  Humanismo,Eksistensiyalismo




No comments:

Post a Comment

mast have this in your site

<meta name=" description " content="Distance calculator can estimate shortest distance between any two cities or locatio...